MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 26-anyos na hairstyÂlist ng hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa sa Quezon City.
Ang biktimang si Louie Adona, residente ng Barangay Balingasa ay natagpuang patay at naliligo sa kanyang dugo.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:55 ng madaling-araw sa tapat ng Banco de Oro sa Andres Bonifacio st., panulukan ng Bignay Alley, Barangay Balingasa kung saan isang Faustino Torres ang nakarinig ng isang malakas na sigaw habang tumatakbong papalayo rito ang isang di kilalang lalaki.
Nang lumapit si Torres ay nakita na lang nitong patay ang biktima kaya agad na ipinagbigay-alam ang insidente sa isang empleyada sa malapit na gasolinahan sa naturang lugar.
Ayon sa Scene of the Crime Operative, ang biktima ay nagtamo ng isang saksak sa kaliwang dibdib, sugat sa dalawang kamay at kaliwang binti.