MANILA, Philippines - Pangalanan na ang sinasabing mga sangkot sa pork barrel fund scam.
Ito ang naging paghamon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano kay dating Senator Panfilo “Ping†Lacson upang makapagpaliwanag ang mga sinasabing nakinabang sa kanilang mga pork barrel funds.
“I’ve always been in favor of naming names specially if it is in a document,†sabi ni Cayetano.
Nangangamba si Cayetano na magamit pa sa pampa-blackmail ang sinasabing listahan kung hindi naman ito lalabas.
Pero, nakatitiyak umano si Cayetano na hindi naman mamba-blackmail sina Lacson at Department of Justice Secretary Leila De Lima.
Anya, kung hindi papangalanan ang mga sinasabing iba pang sangkot sa pork barrel fund scam ay posibleng lahat sila ay pagdududahan.
Magugunita na nakipag-ugnayan kay Lacson ang mister ni Janet Lim-Napoles na si Jimmy Napoles at ipinagkatiwala umano rito ang umano’y listahan ng mga sangkot sa pork barrel fund scam.