EX-con inatado ng saksak, bangkay itinapon sa ilog

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang lumulutang sa ilog sa bahagi ng Maynilad compound, Road 10, Vitas, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Anthony Herrero, 35-anyos, mi­yembro ng Batang City Jail at naninirahan  sa gilid ng estero ng Road 10 sa Vitas Tondo.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuang palutang-lutang sa ilog ang biktima na naka-underwear lamang.

Bago natagpuang patay ang biktima na tadtad ng saksak ang buong katawan ay nagpaalam pa ito sa kanyang tiyahin na si Rosalia Timoteo, 66, dakong alas -11:00 ng gabi noong Martes na may bibilhin lamang pagkain at simula noon ay  hindi na ito nakabalik pa.

Ayon sa pulisya na noong buwan ng Agosto 2013 lamang nakalaya sa Manila City Jail  ang biktima dahil sa  kasong holdap.

Show comments