MANILA, Philippines - Sa loob ng library ng Camp Karingal nagsagawa ng exhibition ang isang lalaki na kung saan ay ipinakita nito ang ari sa isang babaeng librarian sa naturang kampo sa Quezon City.
Nabatid na nakapuslit at nakapasok ang suspek na si Esteve Mortega, 27 sa library sa loob ng Camp Karingal kahapon ng umaga matapos magpanggap na hihingi ng tubig.
Matapos nito, dumiretso si Mortega sa hilera ng mga libro kung saan kumuha ito ng isa at inilaglag sa sahig.
Nang dadamputin ito ng staff ng library na itinago sa pangalang Marie, 40, nagulat na lang ito nang mapuna na nakababa na ang pants ng lalaki at ipinapakita ang kanyang ari.
Agad na humingi ng tulong ang ginang sa otoridad at inaresto ang suspek na mahaharap sa kasong unjust vexation.