Napoles ooperahan ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang operahan ngayong araw  ang negosyanteng si Janet Lim Napoles, na sangkot sa P10 bilyon pork barrel scam sa  Ospital Ng Makati (OSMAK) para alisin ang bukol na tumubo sa matris nito.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Faye Singson, abogado ni Napoles matapos nitong makausap ang kliyente noong Sabado de Gloria matapos
itong sabihan ng kanyang mga doktor.

Natagalan ang pag-iskedyul sa pag-opera kay Napoles dahil sa sumailalim pa ito sa biopsy noong Abril 8 na kinakailangan pang kunan ng sample tissue upang mabatid kung ang bukol na tumubo ay cancerous at hindi naging normal ang blood sugar level at blood pressure nito.

 

Show comments