MANILA, Philippines - Nag-isyu na ang Taguig RTC ng arrest warrants laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at 3 iba pa sa kasong serious illegal detention na isinampa ng ginulpi nilang actor-TV host na si Vhong Navarro.
Inilabas ang arrest warrants ni Judge Paz EspeÂranza Cortes ng Taguig Regional Trial Court Branch 271 laban kina Cornejo, Lee, Jed Fernandez, Simeon Raz Jr., at Ferdinand Guerrero.
Ang kasong serious illegal detention ay isang non-bailable offense.
Ayon kay Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ng Southern Police District, na kanilang natanggap ang arrest warrants pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon.
Hindi na nagbigay ng komento si Villacorte kung bakit hindi kasama sa warrant of arrest ang dalawang iba pa na sina Bernice Lee at Jose Calma na inakusahan din sa kaso.
Magugunita na kamakailan ay una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Taguig City Metropolitan Trial Court (MTC) laban sa grupo ni Lee sa kasong grave coercion na may piyansang P12,000.
Dito ay nagpiyansa na sina Cornejo at Fernandez ng P12,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.