MANILA, Philippines - Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang 23 ang nasawi habang 99 ang sugatan sa iba’t-ibang insidente na naganap noong Semana Santa.
Ayon sa NDRRMC, may kabuuang 36 na insidente ang namonitor sa Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VIII, X, XI, NCR at CAR:
Ang insidente ay kinasasangkutan ng banggaan na nagtala ng 16; 10 sa pagkalunod; anim na sunog; isang maritime incident sa Odiongan, Romblon; isang Carbon Monoxide Poisoning sa Catbalogan, Samar; isang insidente ng pagbaha sa Tagum City, Davao del Norte at isang insidente ng pamamaril sa Nagtipunan, Quirino Province.
Sinabi ng NDRRMC, ang kabuuang 23 nasawi at 99 na nasugatan ay iniulat sa pamamagitan ng monitoring sa mga insidente, habang ang 11 katao na naospital sanhi ng carbon monoxide poisoning at tatlo ang nakaligtas mula sa insidente ng pagkalunod.
Inihayag pa ng NDRRMC, na-monitor naman ng Philippine Coast Guard ang kabuuang 37,104 na outbound passengers at 35,467 inbound passengers kahapon na may kaugnayan sa “Oplan Ligtas Biyahe: Kwaresma 2014â€.