MANILA, Philippines - Pinapaaresto na ni Justice Secretary Leila De Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang lima sa pitong akusado sa pambubugbog sa actor/ TV host na si Vhong Navarro na bigo pang makapaglagak ng piyansa para sa kasong grave coercion.
Nabatid na dalawa pa lamang ang nakapagÂlagak ng piyansa na P12,000 sa nabanggit na kaso, partikular na sina Deniece Cornejo at Jed Fernandez.
Nabatid na magkasunod na araw (Martes at Miyerkules) nagtungo sa Taguig Metropolitan Trial Court (MTC) ang dalawa para sa piyansa nang ilabas noong nakalipas na Biyernes ang warrant of arrest para sa kanila.
Ang hindi pa naglalaÂgak ng piyansa ay sina: Cedric Lee, kapatid na si Berniece, Zimmer Rance, Jose Paolo Calma at Ferdinand Guerrero.
Ayon kay De Lima na ang warrant of arrest na ipinalalabas ng hukuman ay hindi dapat na binabalewala at tungkulin ng mga miyembro ng law enforcement na ito ay ipaÂtupad.