^

Police Metro

Lee, 4 pa hindi pa nagpiyansa

Ludy Bermudo, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinapaaresto na ni Justice Secretary Leila De Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang lima sa pitong akusado sa pambubugbog sa actor/ TV host na si Vhong Navarro na bigo pang makapaglagak ng piyansa para sa kasong grave coercion.

Nabatid na dalawa pa lamang ang nakapag­lagak ng piyansa na P12,000 sa nabanggit na kaso, partikular na sina Deniece Cornejo at Jed Fernandez.

Nabatid na magkasunod na araw (Martes at Miyerkules)  nagtungo sa Taguig Metropolitan Trial Court (MTC)  ang dalawa para sa piyansa nang ilabas noong nakalipas na Biyernes ang warrant of arrest para sa kanila.

Ang hindi pa naglala­gak ng piyansa ay sina: Cedric Lee, kapatid na si Berniece, Zimmer Rance, Jose Paolo Calma at Ferdinand Guerrero.

Ayon kay De Lima na ang warrant of arrest na ipinalalabas ng hukuman ay hindi dapat na binabalewala at tungkulin ng mga miyembro ng law enforcement na ito ay ipa­tupad.

CEDRIC LEE

DE LIMA

DENIECE CORNEJO

FERDINAND GUERRERO

JED FERNANDEZ

JOSE PAOLO CALMA

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

TAGUIG METROPOLITAN TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with