5 todas sa bus vs truck

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang sumal­pok sa nakahintong truck sa tabi ng highway na ikinasawi ng 5 katao at pagkasugat ng 15 iba pa kahapon ng madaling-araw sa Libmanan, Camarines Sur.

Idineklarang dead-on-arrival sa Libmanan District Hospital ang mga biktimang sina Alexander Belen, nasa hustong gulang; Jayson Purita, 23; Cindy Garcia, 17; Arneli Dacullo, nasa hustong gulang at Mark Kevin Dacullo, 2 na anak ni Arneli.

Isinugod naman sa Bicol Medical Center sa Naga City, Sipocot District Hospital at Libma­nan District Hospital ang 15 nasugatan na ang ilan ay kinilalang sina Jeric Buella; Pamela Brozo, 33; Dennis Brozo,37; Pablo Dacullo, 41; Alicia Frimesta, 51; Vicente Magdaraog, 55; Michael Ochoa at iba pang hindi natukoy ang pagkaka­kilanlan.

Sa ulat na nakara­ting kay Sr. Inspector Vicente Marpuri Jr., Acting Chief of Police, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang aksidenteng bumangga ang Bragais Liner Bus (EVP-126) na galing Maynila at patu­ngong Tabaco City,  Albay sa nadiskaril matapos na masiraan ng makina ang 10 wheeler truck (TGC 353) na nakahinto sa kanan ng national highway ng Brgy. Bikal, Libmanan ng lalawigang ito.

Inaresto ang driver ng bus na si Joey Bermas ng Calooan City at ang dri­ver ng truck na si Michael Chua upang panagutin sa kasong kriminal na kinakaharap ng mga ito.

Nakarehistro ang truck sa Pacific Royal Basic Foods Inc. na nakabase sa Pasong Tamo, Makati City na may kargang metal scrap.

Ayon sa driver ng bus na hindi niya nakita ang nakaparadang truck dahil sa kawalan ng  “warning device” na naging ng malagim na sakuna.

Show comments