Henares kay Pacquiao:Bayaran na ang P2.6-B tax deficiency
MANILA, Philippines - Isang araw matapos mabawi ni boxing champ at congressman Manny Pacquiao ang kanyang WBO welterweight title ay na haharapin naman nito ang kanyang laban kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares.
Ayon kay Henares, muli niyang pinaalalahanan si Pacquiao na bayaran ang kanyang tax deficiency na lumobo na sa P2.6 bilyon dahil sa interes.
Ang tax deficiency ni Pacquiao ay nasa P2.1 bilyon as of December 2012, matapos na madisÂkubre ng BIR na hindi pa rin ito nagbabayad ng income taxes sa kanyang mga panalo noong 2008 at 2009.
“As of December 2012, P2.1 billion. Pero may 2013, so 20% (interest) pa yan. Ngayon April, may 6.67% (interest) pa. So tumatakbo na yan... So yun P2.1 billion, madaragdagan ng P26.67% (interest). Estimate lang around P2.65 billion na (tax deficiency),†wika ni Henares.
“Alam niyo ho, bumisita siya sa amin last year. Sinabi namin kung ano puede niyang gawin but since bumisita siya, wala ho ulit kaming communication,†dagdag pa ni Henares.
Noong Enero ay nagbayad si Pacquiao ng P32 milyon, subalit anya ito ay napakaliit lamang na parte sa kanyang pagkakautang sa pamahalaan.
Muling pinaalalahanan ni Henares si Pacquiao na iulat nito ang kanyang pagbabayad ng tax sa kanyang muling pagkapanalo.
Sa kasalukuyan anya ay hindi pa sila nakakakolekta ng buwis sa pagkapanalo nito kay Timothy Bradley Jr.
Magugunita na noong Sabado ng gabi sa Las Vegas ay tinalo ni Pacquiao si Bradley Jr., at may garantiya ito na panalong $20 milyon (P888 million) payout maliban pa sa share ng pay-per-view.
Kung sakali anya na nagbayad ng kanyang mga buwis sa kanyang pagkapanalo sa US, kailangan lang na magbigay si Pacquiao ng mga dokumento bilang ebidensiya ng kanyang pagbabayad.
“Kailangan i-report pa rin niya yun $20 million as part of his income. Pagkatapos, ire-report din niya (sa BIR) kung magkano ang binayad niya (taxes) sa America. Kung ang binayaran niya sa US ay 40%, so $8 million, eh sa Pilipinas 32% ay $6.4 million, so ibig sabihin wala na ho siyang babayaran,†pagwawakas ni Henares.
- Latest