Palasyo inaasahan ang panalo ni Pacman
MANILA, Philippines - Umaasa na magkakaroon ng “good news†ngayong araw na ito ang Malacañang kung mananalo sa kanyang laban si Pambansang Kamao Rep. Manny “Pacman†Pacquiao.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, katulad ng inaasahan marami ang nag-aabang sa laban ni Pacquiao at sana ay magdala ito ng “good newsâ€.
Nakikiisa rin aniya ang Malacañang sa pagdarasal para sa panalo ni Pacquiao laban kay Timothy Bradley Jr. sa Las Vegas, Nevada.
Nasa likod din umano sila ni Pacquiao sa kanyang pagharap kay Bradley para sa karangalan ng bayan.
Maging ang mahigit 80,000 hukbo ng Philippine Army ay magbubunÂyi kung ma-knockout man o hindi ni Pacquiao sa laban nito kay Bradley Jr.
Sinabi ni Philippine Army Spokesman Lt. Col Noel Detoyato na suportado nila ang laban ni Pacman na isa sa kanilang mga reservist.
Si Pacman, isang reÂservist ng Philippine Army na may ranggong Lt. Colonel ay ipinagmamalaki ng hukbo lalo na sa tuwing mananalo ito sa kaniyang laban. - Malou Escudero, Joy Cantos-
- Latest