Jail warden todas, kasama sugatan sa ambush

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng tatlong lalaki na nakamaskara ang dalawang tauhan ng Bureau of Jail and Management and Peno­logy (BJMP) na ikinasawi ng isa sa kanila sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Lianga, Surigao del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Jail Inspector Danilo Uy, 48, nakatalaga sa Lianga District Jail.Habang nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan si Jail Officer 1 Jonas Telin, 32, ng Tago, Surigao del Sur.

Sa ulat, dakong alas-10:20 ng umaga ay magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek sa kahabaan ng Purok 1, Jail Site St., sa bayan ng Lianga.

Nabatid na kagaga­ling lamang nina Uy at Telin sa municipal hall ng Lianga nang sundan at pagbabarilin ng mga suspek na magkakaangkas sa Baja Kawasaki motorcycle.

Narekober sa lugar ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol sa crime scene.

Show comments