^

Police Metro

Mga pulis bawal munang magbakasyon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng direktiba si PNP Chief Director Alan Purisima na nagbabawal sa lahat ng mga pulis na magbakasyon ngayong Semana Santa upang mapangalagaan ang seguridad ng mamamayan  sa paggunita sa kuwaresma.

Ito ang iniulat ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, hepe ng PNP Public Information Office at magtatagal ang ‘no leave policy’ ng PNP hangga’t hindi natatapos ang ‘holy week observance’.

Alinsunod sa kautusan ay mahigpit na babantayan ang mga lugar na dinarayo ng mga tao lalo na ng mga deboto sa  panahon ng pagtitika kabilang na ang mga dinarayong simbahan para sa ‘Visita Iglesia’.

Patuloy ang ‘heightened alert status’ ng puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong kuwaresma at sa buong panahon ng ‘summer vacation’.

ALINSUNOD

CHIEF DIRECTOR ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

REUBEN THEODORE SINDAC

SEMANA SANTA

VISITA IGLESIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with