^

Police Metro

Pinas ipagtatanggol ng US vs China

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Harap-harapan na sinabi ni US Defense Secretary Chuck Hagel sa kanyang counterpart  na si Chinese Defense Minister Chang Wanguan sa Chinese Defense Ministry headquarters sa Beijing noong Martes na walang karapatan ang China na maglagay ng defense zone sa pinag-aagawang mga isla sa WPS o South China Sea nang walang konsultasyon.

Dito ay ipinamukha rin ni Hagel sa China na handang depensahan at tulungan ng Amerika ang kanyang mga kaalyado tulad ng Pilipinas, Japan at iba pa na nakararanas nang panggigipit na kanilang res­posiblidad at obligasyon alinsunod sa nilagdaang US treaty sa pagitan ng mga kaalyado nitong bansa. Sinabi naman ni Chinese Defense Minister Chang na ang kanilang bansa ay hindi gagawa ng anumang hakbang na manggulo, su­balit nagbabala na gagamitin nila ang  puwersang militar upang depensahan at protektahan ang kanilang teritoryo.

Inireklamo ni Chang ang Pilipinas dahil sa umano’y ilegal na pag-uukopa nito sa mga isla at reefs sa South China Sea na aniya’y bahagi ng kanilang teritoryo.
Tumagal ang nasabing pulong ng halos dalawang oras, na kauna-unahang naganap sa Beijing sa kasagsagan ng territorial dispute ng China at Pilipinas.

 

AMERIKA

BEIJING

CHINESE DEFENSE MINISTER CHANG

CHINESE DEFENSE MINISTER CHANG WANGUAN

CHINESE DEFENSE MINISTRY

DEFENSE SECRETARY CHUCK HAGEL

DITO

PILIPINAS

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with