MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na daÂlaga ang inaresto ng mga otoridad sa isang entrapment operation sa isang mall at nakumpiska ang nasa P12 milyon halaga ng shabu kamakalawa sa Iligan City, Lanao del Norte.
Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Ashlea Sambitori.
Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi nang maaresto ng mga elemento ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang suspek sa loob ng Gaisano mall sa nasabing lungsod.
Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa isang package na naglaÂlaman ng shabu galing Maynila at kukunin ng naturang dalaga.
Pumoste ang mga opeÂratiba sa nasabing mall na halos buong araw na nagmanman hanggang sa lumutang ang suspek at kunin sa isang outlet dito ang nasabing package.
Laking gulat ng suspek ng harangin siya ng mga otoridad at ng inspeksyunin ang nasabing package ay nabatid na naglalaman ito ng mahigit isang kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P12M.
Ang nasabing droga ay nakabalot sa isang kulay itim na plastic at carbon paper.
Nabatid pa na si Sambitori ang consignee ng package at lumilitaw rin na galing pa ito sa Orani, Bataan at dinala sa Metro Manila patungong Iligan City kung saan nasamsam ang naturang droga.