^

Police Metro

2 tsinoy timbog sa p118-M shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga mi­yembro ng Manila Police District-Station 11 ang dalawang Tsinoy matapos makuha sa dala nilang mga maleta ang may 10-kilo ng shabu kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

Ang mga suspek ay kinilalang sina John Chua Sy, ng no.168 Cordero st., Valenzuela City at Anthony Ang  Sy, ng no. 195 P.Sevilla St., 8th Avenue,Caloocan City.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang masita ang dalawang suspek nina PO2 Francisco Manago at PO2 Richard Sibayan dahil sa akto ng  paninigarilyo ng marijuana sa isang eskinita malapit sa presinto matapos i-tip ng mga residente.

Nang rekisahin ang kanilang dalang mga maleta ay  tumambad sa mga otoridad ang mga nakasilid sa plastic nakabalot pa sa foil at packaging tape na  pinaniwalaang shabu, na tig-5 kilo ang laman ng bawat maleta.

Nakumpiska din ang ilang marijuana sticks na personal na ginagamit ng mga suspek.

vuukle comment

ANTHONY ANG

CALOOCAN CITY

FRANCISCO MANAGO

JOHN CHUA SY

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

RICHARD SIBAYAN

SEVILLA ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with