^

Police Metro

Karnaper timbog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasong kriminal ang kinakaharap ngayon ng isang umano’y miyembro ng sindikato ng carnapping nang maaresto ng pulisya kaugnay sa pagtangay ng motorsiklo  na nakuha sa hideout nito sa Caloocan City.

Ang suspect na si Elmer Constantino, 26, tricycle driver, residente ng Phase 1 Package 2 Block 8 Lot 9 Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City ay naaresto matapos na magsagawa ng raid ang pulisya  sa kuta ng mga ito sa Phase 12 Brgy 188 Tala, Caloocan City.

Nakuha rito ang motorsiklo ng biktimang si Alexander Meneses, residente ng Phase 3, Bagong Silang, at isang Suzuki skydrive scoo­ter na nakapangalan sa isang Adelyn Nuñez ng Camarin, Caloocan; dalawang videokarera machine at isang  kalibre .45 na baril.

Sa ulat ng pulisya, noong Abril 3, si Me­neses ay lulan ng Yamaha Mio Sporty nang parahin siya ng suspect kasama ang isang alyas Gilbert.

Ayon sa biktima, tinakot siya ni Gilbert na siya ay bubugbugin kung hindi ibibigay ang kanyang motor. Wala naman nagawa ang biktima, kaya kinuha ng mga suspects ang nasabing motor na minaneho palayo ni Constantino.

Mabilis naman na nagsuplong sa pulisya si Meneses kaya nagsagawa ng operasyon ang pulisya.

vuukle comment

ABRIL

ADELYN NU

ALEXANDER MENESES

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

ELMER CONSTANTINO

YAMAHA MIO SPORTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with