MANILA, Philippines - DALAWANG lalaki ang kapwa patay, kabilang ang isang empleÂyado ng Department of Energy (DOE) matapos na masagasaan ng tren sa magkahiwalay na insidente sa Maynila, kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.
Unang insidente ang pagkakahagip ng tren at kagyat na ikinamatay ng biktimang si Ricardo Balanque, 47, residente ng no.1931 Macopa st., kahilum 1, Pandacan, Maynila.
Sa ulat ni SPO1 Gene Reyes ng Manila Traffic Enforcement Unit, dakong alas 6:30 ng gabi nang makitang nagÂlalakad sa tabi ng riles ang biktimang si BalanÂque sa bahagi ng President Quirino avenue, sa Paco nang mahagip ng tren at masagasaan.
Samantalang, ang ikalawang insidente naman ay naganap alas 8:30 ng umaga sa G. Tuazon st., Sampaloc, Maynila.
Tumatawid umano si Jordan de Jesus, 21, empleyado ng DOE at residente ng no.960 Valdez st., Sampaloc, Maynila sa riles na hindi naman umano dapat tawiran ng tao, nang abutan ng magkasalubong na tren o pa-southbound at pa-northbound.
Sa ulat ni SPO2 Rey Fernandez ng MTEU, nagkagutay-gutay at hiwa-hiwalay ang mga bahagi ng katawan ni De Jesus at hindi na makilala ang hitsura.