^

Police Metro

Sunog sa QC: 120 pamilya nawalan ng tahanan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nawalan ng tahanan ang may 120 pamilya makaraang tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay dahil umano sa napabayaang gasera  sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

  Ayon kay SFO3 Mauricio Jose, tactical operations officer ng Quezon City Fire Station, nangyari ang sunog ganap na alas-8:20 ng gabi sa Gilmore corner Hemady St., Brgy. Valencia sa lungsod.

 Sinasabing nag-ugat ang sunog sa isang napabaya­ang gasera na ginamit bilang ilaw umano ng isa sa mga residente sa lugar.

 Dahil pawang mga gawa lamang sa light materials ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa Task Force Alpha ang alarma.

 Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa makitid na kalsada sa lugar at nakahambalang din ang ilang gamit ng mga naapektuhang residente kung kaya hindi kaagad makapasok ang mga fire truck.

Alas-2:00 ng madaling araw nang tuluyang ideklarang fire out ang sunog at tinatayang nasa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa nasabing sunog.

AYON

BRGY

DAHIL

HEMADY ST.

MAURICIO JOSE

QUEZON CITY

QUEZON CITY FIRE STATION

TASK FORCE ALPHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with