Karpintero, todas sa martilyo
MANILA, Philippines - Todas ang isang karpintero matapos pagtulungan na martilyuhin sa ulo ng tatlong kasamahan sa trabaho sa itinataÂyong gusali, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Agad na nasawi ang biktimang si Tito Gabin, 45, tubong Barangay Halang, Calamba City, sa Laguna at stay-in sa #.3991 Dangal St., Bacood, Sta. Mesa.
Nadakip naman ng mga barangay tanod ang dalawang suspek na si Joel Esplana, 28, binata, nakatira sa Barangay PaÂking, Sitio Sumagonsong, Molanay, Quezon at isang Arcenio Natada 35.
Ginagamot naman sa Sta. Ana Hospital ang nakatatandang kapatid ni Esplana na si Teodenar, 35, may-asawa , construction worker, dahil sa tama ng bakal sa dibdib.
Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na dakong ala-1:00 ng madaÂling araw nang maganap ang insidente sa loob ng ginagawang gusali sa panulukan ng Bagumbayan at Bataan Extension, Bacood, Sta Mesa.
Sinabi ng saksing si Jayson Olanda, 19, laborer at stay-in din sa construction site, bumiÂsita lamang umano ang nakababatang Esplana sa construction site at nakiÂpag-inuman sa biktima, sa kuya nito at kay Natada.
Makalipas ang ilang oras, naiwan ang biktima at suspek nang magtungo na sa barracks ang batang Esplana at si Natada upang matulog.
Habang natutulog na umano ang dalawa ay naulinigan ang sigaw at paghahamon ng biktima ng suntukan hanggang sa magpang-abot at bumagsak umano ang nakatatandang Esplana sa bakal kung saan tumama ang dibdib.
Nagawa pang tumayo at tumakbo sa kapatid at kay Natada upang magsumbong kaya dali-daling sumaklolo ang dalawa, kung saan nakahagilap ng martilyo ang suspek at hinabol nito si Gabin at ng maabutan ay minarÂtilyo nito sa ulo na naging dahilan ng kamatayan ng biktima.
Rumesponde naman sina Barangay Ex-O Carlos Sabado at Brgy. Tanod Floro Candellero na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Sina Natada at nakaÂbabatang Esplana ay kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng MPD-Homicide Section .
- Latest