Napoles nakatakdang operahan

MANILA, Philippines - Nakatakdang opera­han ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles, suba­lit hindi pa tiyak kung anong araw ito magaganap dahil hanggang sa ngayon  ay mahipit pa rin mino-monitor ang blood sugar nito  habang naka-confine sa Ospital ng Makati (OSMAK).

Ayon kay Dr. Perry Peralta, director ng OSMAK, hindi pa rin sila makakapagpalabas ng medical bulletin kaugnay sa kondisyon ni Napoles dahil hindi pa ito naooperahan.

Maglalabas lamang sila ng resulta kapag natuloy sa Lunes ang operasyon, subalit hindi pa rin ito tiyak kung matutuloy.

Nabatid na maayos at handa na ang ibang detalye ang gaga­wing operasyon, ngunit kailangan pa aniyang ikonsidera ang sugar level ni Napoles.

Nakipagpulong na si Peralta sa mga private doctor ni Napoles  na mula sa Saint Luke’s Hospital para sa pagha­handa sa ope­rasyon nito.

Show comments