4 tiklo sa buy bust

MANILA, Philippines - Apat katao ang naaresto ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation  sa Santiago City, Isabela.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jefferson De Leon, 29, drug den owner ng taga Purok 7, Habitat Village, Nagasigan, Santiago City, Isabela; Aldrin Cauinan, 25, ng  Recto Street, Centro West, Santiago City, Isabela; Romar Ferrer, 23 ng Purok 5, Liwag Compound, Mabini, Santiago City, Isabela; at Norvie Dizon, 27 ng  Caggay, Tuguegarao City.

Nabatid na nahuli si De Leon nang makipagkasundo sa isang poseur buyer ng PDEA na magbebenta ng isang plastic sachet  ng shabu  na may timbang na  5 gramo.

Kaya’t nang pasukin ang drug den ay nasa aktong gumagamit ng shabu ang tatlo pang suspek.

Si De Leon ay ipinagharap sa kasong pag­labag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 6 (Maintenance of a Drug Den) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang tatlo ay kasong paglabag sa  Section 7 (Visitor of a Drug Den), Section 15 (Use of Dangerous Drugs).

Show comments