CGMA niregaluhan ng litson buwaya

MANILA, Philippines - Niregaluhan ni Atty.Ferdinand Topacio ng litson na buwaya si da­ting Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo nagdiwang ng ika-67 na kaarawan sa loob ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Ayon kay Topacio na ipinadala lang nito ang regalo niyang litson buwaya kay Gng. Arroyo na mabuti sa katawan dahil sa wala itong taba at may mataas na protina at hindi bawal sa kanyang kalusugan.

Nabatid na bantay sarado ang munting pagsasalu-salo at tanging sa main gate lamang ng ospital nakaantabay ang mga mediamen na nais makita ang  kaganapan sa kaa­rawan.

Sinasabing  50 bisita lamang ang pinayagang makadalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Gng. Arroyo partikular ang pamil­ya nito kabilang ang ilang kaalyado sa pulitika at ilang spiritual adviser.

Show comments