Lawrenians Batch ’76, magrereunyon

MANILA, Philippines - Magdaraos ng reunyon ang Class 1976 ng St. Lawrence Academy (College of St. Lawrence ngayon) sa Sabado (Abril 5) mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi na gaganapin sa compound ng nasabing kolehiyo sa Barangay Borol 1st Balagtas, Bulacan.

Magsisilbing unang paghahanda ang okasyong ito sa planong ika-40 taong reunyon ng Class 1976 sa taong 2016 na magsisiuwi sa Pilipinas ang mga miyembro na naninirahan na sa ibang bansa.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga miyembro ng Batch 1976 na gustong dumalo sa reunyon kina Elizabeth Polintan-Pineda sa Mutya Ricemill, Golden City and Intercity, Brgy.Wakas, Bocaue, Bulacan, Liberty S. Reyes sa mobile# 09195559149 at Samuel Lazaro sa email address na theiemjo@yahoo.com.

Show comments