MANILA, Philippines - Inirekomenda kahapon ng Office of the Ombudsman na kasuhan ng plunder at graft sa Sandiganbayan ang tatlong Senador na sina Juan Ponce-Enrile, Bong Revilla, Jinggoy Estrada at ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay ng kontrobersiyal na pork barrel scam.
Binigyang diin ni Assistant Ombudsman Asyrman Rafanan na nakakita ang Ombudsman ng probable cause para sampahan ng naturang mga kaso matapos umanoy gamitin ng mga ito ang kapangyarihan at magsabwatan para umano lustaÂyin ang pera ng bayan.
Gayunman, sinabi ni Rafanan na hindi naman agad maisasampa ang naturang kaso laban sa mga nabanggit dahil bibigyan pa ng pagkakataon ang mga ito na magbigay ng kasagutan hinggil sa rekomendasyon ng Ombudsman.
Limang araw na palugit ang ibinibigay sa mga respondent para sagutin ang naturang rekomendasyon.
Samantala, nagpaÂlabas din ng rekomendasyon ang Senate Blue Ribbon committee na kasuhan ng plunder ang mga nabanggit na mga senador.
Batay sa mga dokumento, sinasabing si Estrada ay naglaan ng pondo sa pekeng non-governmental organizations (NGO) ni Napoles na Social Development Program for Farmers at National Agri Business Corporation.
Si Enrile naman ay sa Agri-economic program for farmers foundation Inc., Agrikultura para sa Magbubukid, Agri and Economic Program for Farmers Foundation, at Countrywide Agri and Rural Economic DeveÂlopment Foundations Inc. (CARED).
Habang si Revilla ay gumamit diumano ng NGO ni Napoles na Agrikultura para sa Magbubukid Foundation Inc., Social Development Program for Farmers Foundation Inc., Agri economic Program for Farmers Foundations, Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundations, National Agribusiness Corporation, Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundations Inc., at Agrikultura Para sa Magbubukid foundation Inc., Philippine Social Dev’t Foundation Inc., at Social Development Program for Farmers Foundation Inc.
Sa mga susunod na araw naman ay ilalabas na rin ng Ombudsman ang rekomendasyon nito laban sa ilan pang mga mambabatas at persoÂnalidad na second batch na nasampahan ng kasong plunder dahil din sa pork scam. - Angie dela Cruz, Malou Escudero-