^

Police Metro

Proklamasyon ng mga nanalong senador, ipawalang-saysay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ideklarang walang bisa ang proklamasyon sa mga nagwaging kandidato sa pagka-senador noong 2013.

Ito ang inihaing 24-pahinang petition for certiorari kahapon sa Korte Suprema ng mga talunang kandidato noong Mayo 2013 elections at kahit nakaupo na ang mga ito sa loob ng sampung buwan ay dapat umanong ideklara ng Mataas na Hukuman na null and void ang ginawang proklamasyon.

Giit ng mga naghain ng petisyon na sina  Ricardo Penson, Hans Christian Señeres, Rizalito David at Baldomero Falcone na nagkaroon ng  grave abuse of discretion sa panig ng Commission on Elections (Comelec)  na umupong National Board of Canvassers nang gawin nito ang proklamasyon.

Premature anila, ang  ginawang proklamasyon ng NBOC dahil nang oras na iyon hindi pa naman naisasalang sa canvassing  ang lahat ng mga election returns na itina-transmit sa pamamagitan ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines, pero naging mabagal ang proseso ng transmission.

Nagkaroon din umano ng grave abuse of discretion sa panig ng Comelec nang maaga nitong tinapos ang canvassing noong Hunyo 5, 2013 dahil sa paniwalang ang nalalabing mga election returns (ER) na hindi pa nabibilang ay hindi naman makakaapek­to ng malaki sa resulta ng eleksyon.

Na dapat anya ay tinapos ang canvassing hanggang sa huling ER para umano maipakita ang totoong pasya ng mga botante.

 

vuukle comment

BALDOMERO FALCONE

COMELEC

HANS CHRISTIAN SE

KORTE SUPREMA

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN

RICARDO PENSON

RIZALITO DAVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with