MANILA, Philippines - Nais ng lokal na Department of Education (DepEd) na i-regulate ang mga internet shop sa paligid ng mga paaralan sa Iloilo City.
Ito’y kasunod ng poor performance ng mga mag-aaral sa mga paaralan sa naturang lungsod, kung saan naging panghuli sila sa elementary level ng 18 school division sa Western Visayas, sa National Achievement Test (NAT) result para sa School Year 2012-2013.
Bigo rin umano ang Iloilo City schools na makaabot sa Top 10 sa secondary level.
Kaugnay nito, umapela ang local DepEd sa city government para tumulong sa kanilang plano.
Paliwanag ni DepEd Western Visayas regional director Corazon Brown, sa ngayon ay wala nang batang nakikitang nagbabasa ng mga libro at sa halip ay binabasa na lamang umano nila ang lahat mula sa internet.
Naniniwala rin siya na posibleng hindi pa sapat ang DepEd Order No. 86 na inisyu noong 2010, at nagbabaÂwal sa mga mag-aaral na magtungo sa mga computer shops kung class hours, gayundin ang ordinansa na nagbabawal sa pagtatayo ng internet café malapit sa paaralan.
Umapela rin ang DepEd ng kooperasyon ng mga magulang para masolusyunan ang problema.