Private doctor ang mag-oopera kay Napoles

MANILA, Philippines - Mga private doctor ang titingin at mag-oopera sa Reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Nais sana ni Atty. Faye Singson, isa sa mga abogado ni Napoles, na madala na kaagad ang ginang sa Ospital ng Makati (OSMAK) dahil delikado na aniya ang kalagayan nito.

Subalit hanggang sa ngayon aniya ay  wala pa ring hakbang ang Philippine National Police (PNP) sa Fort Santo Domingo kung saan nakakulong  si Napoles para dalhin ito sa ospital.

Sinabi ni  Singson, apat hanggang anim na doktor ang titingin sa ginang at hindi umano mga doktor ng OSMAK  ang titingin dito kundi mga doktor ni Napoles, na pinili nito.

Si Napoles ay ooperahan dahil sa bukol nito sa matris sa OSMAK  matapos itong payagan ni Judge Elmo Alameda, ng Makati City Regional Trial Court, Branch 150.

 

Show comments