MANILA, Philippines - Nilagdaan kahapon ng gobyerno at Moro IslaÂmic Liberation Front ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa Palasyo upang tuluyan nang makamit ang kapaÂyapaan sa Mindanao.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., kahit ang National Democratic Front (NDF) o Bangsamoro IslaÂmic Freedom Fighters (BIFF) ay hindi kayang hadlangan at wasakin ang nabuong kasunduan sa pagitan ng gobyerno at MILF.
Umaasa rin ang opisÂyal na ang iba pang grupo sa Mindanao ay makikiisa na lamang sa CAB upang maisulong na ang kapayapaan sa buong rehiyon at iwasan na ang anumang kaguluhan.