MANILA, Philippines - Sa pangunguna ng mga nagsimula ng grupo at maÂyorya ng mga pangkat na kasapi ng Moro National LibeÂration Front (MNLF) ay suportado nila ang kampanyang pangkayapaan ng pamahalaang Aquino sa Mindanao.
Ito ang inihayag kahapon ng bagong MNLF Chairman Datu Abulkhayr Alonto at kasabay ng pagbibigay-diin na ipinagdarasal din nila ang mabilis at matagumpay na pagpapatupad ng mga inisyatiba ng pamahalaan para manaig na ang pinakamimithing kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi n Alonto na nakipag-usap na sila, at malugod na tinanggap, ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee sa pangunguna ng chairman nito na si H. Murad at sumali na rin sila sa iisang consultative forum sa pagitan ng MILF at ng pamahalaang Aquino.
Pinabulaanan ni Alonto ang mga naunang ulat na may kinalaman ang gobyerno sa kaniyang paghalili bilang bagong chairman ng MNLF.
“Walang kinalaman ang gobyerno at hindi rin namin binago ang istraktura ng MNLF bilang organisasyon at siniguro lang namin ang integridad ng MNLF sapagkat ang aming dating chairman na si Nur Misuari ay hindi lumalahok at nagpapakita sa mga pagkilos para maÂkamtan ang kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi pa ni Alonto na ang pagpapalit ng mga puno, lalo pa ng chairman at mga miyembro ng central committee sa kauna-unahang pagkakaton ay normal lamang na gawain ng anumang aktibong organisasyon.
Nakiusap din si Alonto sa publiko na huwag isipin ng madla na isinuko na nila ang lahat ng kanilang karapatan sa pamahalaang Aquino.
Ayon pa kay Alonto na ang kaniyang grupo ay aktibo nang lumalahok sa lahat ng pagkilos o hakbangin para magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao mula pa noong 1976 Tripoli Agreement.