17-anyos utas sa resbak ng 14-anyos

MANILA, Philippines - Sa mismong minamaneho na pedicab nalagutan ng hininga ang isang 17-anyos na binatilyo nang pa-traydor na binaril sa ulo ng nakaalitang menor-de- edad kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Dominique Magdula, no. 1700 Canal de Reina St. Tondo, Maynila.

Ang suspek na tumakas ay tinatayang 14-anyos, may taas 4’11”, nakasuot ng itim na t-shirt at kulay brown na short pants at armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa ulat, dakong alas 12:30 ng madaling-araw ay papauwi na ang biktima upang isoli na ang pedicab sa kanyang operator at pagdating sa kanto ng Herbosa at Cabangis St., Tondo, Maynila nang lapitan ng suspek at sunod-sunod na pinaputukan  sa ulo.

Nabatid sa pulisya na may nakaalitan ang biktima na isang menor-de-edad bago nangyari ang krimen at posibleng niresbakan ang biktima.

Show comments