MANILA, Philippines - Isang Ohio-Class guided missile subÂmarine ng USS MichiÂgan (SSGN 727) ang dumaÂting sa Subic Bay, ZamÂbales para sa routÂine port call visit nito sa bansa.
Ito’y sa gitna na rin ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritorÂyo sa West Philippine Sea. Kabilang dito ay ang Scarborough Shoal may 124 nawtikal na milya mula sa Masinloc, Zambales. Ang isa pa ay sa Spratly Islands na nasa bahagi naman ng Palawan.
Sa press statement na ipinadala ng US Embassy sa Defense Press Corps, sinabi nito na nilalayon ng port call na pagtibayin pa ang ugnaÂyang militar, kasaysayan at maging sa komunidad sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
“This visit will allow the ship to replenish supplies as well as give the crew an opportunity for rest and relaxationâ€, anang press statement ng US Embassy.
Samantalang habang nasa Subic ay mabiÂbigyan ng pagkakataon ang mga sailors ng USS Michigan na mabisita ang mga eskuwelahan at matulungan ang mga may kapansanang mga residente at mabisita ang Olongapo City Museum upang higit pang malaman ang kultura at kasaysayan ng mga Pinoy.
Ang pagbisita ng US guided missile submarine ay nataon naman sa isinasagawang ika-pitong rounds ng negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kaugnay ng Increased Rotational Presence (IRP) ng tropang Kano sa bansa.
Nauna na ring nagbabala ang China sa pamahalaan ng Amerika na huwag manghimasok sa isyu ng pakikipag-agawan nito ng teritoryo sa Pilipinas.
Samantalang minaÂmadali rin ang negosasÂyon kaugnay naman ng nakatakÂdang pagbisita sa bansa ni US President Barack Obama sa darating na buÂwan ng Abril.