^

Police Metro

US missile submarine dumating sa Subic

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Ohio-Class guided missile sub­marine ng USS Michi­gan (SSGN 727)  ang duma­ting sa Subic Bay, Zam­bales para sa rout­ine port call visit nito sa bansa.

Ito’y sa gitna na rin ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritor­yo sa West Philippine Sea. Kabilang dito ay ang Scarborough Shoal may 124 nawtikal na milya mula sa Masinloc, Zambales. Ang isa pa ay sa Spratly Islands na nasa bahagi naman ng Palawan.

Sa press statement na ipinadala ng US Embassy sa Defense Press Corps, sinabi nito na nilalayon ng port call na pagtibayin pa ang ugna­yang militar, kasaysayan at maging sa komunidad sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

 â€œThis visit will allow the ship to replenish supplies as well as give the crew an opportunity for rest and relaxation”, anang press statement ng US Embassy.

Samantalang habang nasa Subic ay mabi­bigyan ng pagkakataon ang mga sailors ng USS Michigan na mabisita ang mga eskuwelahan at matulungan ang mga may kapansanang mga residente at mabisita ang Olongapo City Museum upang higit pang malaman ang kultura at kasaysayan ng mga Pinoy.

Ang pagbisita ng US guided missile submarine ay nataon naman sa isinasagawang ika-pitong rounds ng negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kaugnay ng Increased Rotational Presence (IRP) ng tropang Kano sa bansa.

Nauna na ring nagbabala ang China sa pamahalaan ng Amerika na huwag manghimasok sa isyu ng pakikipag-agawan nito ng teritoryo sa Pilipinas.

Samantalang mina­madali rin ang negosas­yon kaugnay naman ng nakatak­dang pagbisita sa bansa ni US President Barack Obama sa darating na bu­wan ng Abril.

AMERIKA

DEFENSE PRESS CORPS

ESTADOS UNIDOS

INCREASED ROTATIONAL PRESENCE

ISANG OHIO-CLASS

OLONGAPO CITY MUSEUM

PILIPINAS

PRESIDENT BARACK OBAMA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with