MANILA, Philippines - Hinihinala ng Malaysian government na bumagsak sa Indian Ocean ang pinaghahanap na Malaysia Airlines flight MH370 at posibleng patay lahat ang sakay nitong 239 pasahero at crew.
Ayon kay Malaysian Prime Minister Najib Razak, ang 16-araw nang nawawalang MH370 ay bumagsak sa isang remote corner ng katimugang bahagi ng Indian Ocean kung saan nagtapos ang pag-asang may makikita sa mga sakay ng eroplano.
Ang hinala ay ibinase sa lumabas na satellite-data analysis ng BritanÂya at hindi ito ibinase sa pagkakadiskubre ng mga floating objects sa Indian Ocean na ipinalalagay na wreckage ng Boeing 777 (MH370).
Sinabi ni Najib na nagtapos ang biyahe ng MH370 sa remote area ng katimugang Indian Ocean at inaanalisa na walang nakaligtas sa 239 sakay nito. Nagpaabot na siya ng pakikiramay sa lahat ng pamilya ng mga biktima.
Ani Najib, galing ang kanilang bagong impormasyon sa Air Accidents Investigation Branch ng Britain at ng British Inmarsat satellite communications company, na una na ring nagbigay ng data na nag-divert o lumihis sa orihinal na dadaanan nito ang MH370.
Sa kalkulasyon ng Inmarsat, ang flight MH370 na umalis sa Kuala Lumpur airport noong Marso 8 ay lumipad sa may southern corridor at nagtapos ang biyahe nito sa southern Indian Ocean.
Dahil sa malungkot na anunsyong ito, haloÂs maÂÂdurÂog ang puso at nagpuÂpuyos sa galit ang pamilÂya ng mga biktima na nagtipun-Âtipon sa Kuala Lumpur at sa Beijing upang mag-antabay sa balita sa ginagawang search.
Sa kabila ng nasabing hinala, sinabi ni Spokesman Hong Lei ng Chinese Foreign Ministry na ipagpapatuloy ng China ang paghahanap sa nawawalang eroplano at hiniling nila sa Malaysian government na ibigay ang lahat ng data analysis at impormasyon na pinagbasehan para lumabas ang konklusÂyong sa Indian Ocean bumagsak ang eroplano.
Ang Estados Unidos ay magpapadala na ng undersea Navy drone sa Australia bilang dagdag sa high-tech black detector upang tumulong sa paghahanap ng blackbox ng MH370 kung saan maririnig ang huling komunikasyon ng piloto bago bumagsak ang eroplano sa Indian Ocean.