50 sugatan sa banggaan ng 3 bus

MANILA, Philippines - Nasa 50 katao ang nasugatan sa banggaan ng tatlong bus sa loa­ding bay sa Philcoa, Commonwealth A­venue, QC kahapon ng umaga.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang sumalpok ang Nova Auto Transport (TWL-693) Inc., sa isang bus unit ng  Marikina Auto Line (VVT-155) na nagsasakay ng mga pasahero sa nabanggit na lugar.

Dahil sa malakas na impact nang pagbangga ng dalawang bus ay tumama naman ito  sa Safeway Bus (UVJ-465) na nandun din sa natu­rang lugar.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang mga driver ng bus.

 

Show comments