Bulacan solon hinihingan ng paliwanag sa P10-M pork barrel

MANILA, Philippines - Hinihingan ng paliwanag ng Bulacan Alliance Against Graft and Corruption (BAAGAC) si Bulacan Congresswoman Marivic Alvarado sa umano’y pagla­lagak nito ng kanyang P10 milyon pork barrel sa isang pekeng non-government organization (NGO).

Anila na higit  na marami sanang mamamayang Bulakenyo ang mabibiyayaan kung ginugol ni Congresswoman Alvarado, asawa ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan ng Bulacan sa mga proyektong kapakipakinabang sa halip na sa Kaisa’t Kaagapay Mo Foundation na umano ay kaduda-dudang organisasyon. 

Tanong ng BAAGAC kung hindi alam ng kongresista na peke ang NGO, bakit anya hindi muna ito nagsagawa ng pagsisiyasat bago nagbigay ng pondo.

Umaasa ang mga Bulakenyo na ginugugol ng kanilang kongresista ang pondo sa tamang pagkakagastusan at hindi kung saan lamang napupunta.

Dapat din na tukuyin  ni Congressman Alvarado kung sino ang nagrekomenda sa kanya sa naturang foundation kaya’t pinondohan niya ito ng ganun kalaking halaga.

 

Show comments