6 minasaker ng baliw

MANILA, Philippines - Pinagtataga ng isang nababaliw na la­laki ang anim na miyembro ng dalawang pamilya sa naganap na masaker kamakalawa sa bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Merlita Emoc, 27; Junrey Emoc,7; Merlyn Emoc, 4; Nak-Nak Emoc, 2 at ang mag-asawang sina Samuel Anligis, 57 at Presciosa Anligis, 59.

Malubhang nasu­gatan si Lito Anligis, 29, nang pagtatagain din ng suspek at nang maagaw ang itak ay napatay nito ang suspek na si Renie Arnatis.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang, maganap ang karumaldumal na krimen sa Sitio Sanitalan, Brgy. Laba­ngon, Dumingag, Zamboanga del Sur.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, kasalukuyang nag-almusal ang pa­milya Enoc nang pasukin ng suspek na armado ng itak ang kanilang bahay at walang habas na pinagtataga ang mag-anak. 

Sumunod namang pinasok ng suspek ang bahay ng kapitbahay ng mga ito at pinagtataga din ang mag-asawang­  Anligis na kapwa napaslang rin sa insidente.

Sinugod din ng taga ng suspek ang anak ng mag-asawa na si Lito, pero kahit suga­tan ay nagawa nitong maagaw ang itak at sa matinding galit ay tinadtad din ng taga ang suspek hanggang sa mapatay.

 

Show comments