6 minasaker ng baliw
MANILA, Philippines - Pinagtataga ng isang nababaliw na laÂlaki ang anim na miyembro ng dalawang pamilya sa naganap na masaker kamakalawa sa bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Merlita Emoc, 27; Junrey Emoc,7; Merlyn Emoc, 4; Nak-Nak Emoc, 2 at ang mag-asawang sina Samuel Anligis, 57 at Presciosa Anligis, 59.
Malubhang nasuÂgatan si Lito Anligis, 29, nang pagtatagain din ng suspek at nang maagaw ang itak ay napatay nito ang suspek na si Renie Arnatis.
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang, maganap ang karumaldumal na krimen sa Sitio Sanitalan, Brgy. LabaÂngon, Dumingag, Zamboanga del Sur.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, kasalukuyang nag-almusal ang paÂmilya Enoc nang pasukin ng suspek na armado ng itak ang kanilang bahay at walang habas na pinagtataga ang mag-anak.
Sumunod namang pinasok ng suspek ang bahay ng kapitbahay ng mga ito at pinagtataga din ang mag-asawang Anligis na kapwa napaslang rin sa insidente.
Sinugod din ng taga ng suspek ang anak ng mag-asawa na si Lito, pero kahit sugaÂtan ay nagawa nitong maagaw ang itak at sa matinding galit ay tinadtad din ng taga ang suspek hanggang sa mapatay.
- Latest