Kelot dedo sa onsehan ng droga

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 32-anyos na lalaki nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na miyembro ng isang sindikato sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi sa tama ng bala ng kalibre .45 at .9mm na baril sa  katawan ay kinilalang si Edson Aguilar, alyas Bobo, ng Phase 8A Package 10, Block 150, Lot 4 Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Ang suspek ay isang  alyas “Carim/Maranaw” at isa pang hindi nakila­lang lalaki.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ay kausap ng biktima ang mga suspek sa isang madilim na eskinita nang biglang umalingawngaw ang putok ng baril.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek nang bumulagta ang biktima.

Show comments