Ginang pinasok sa bahay, pinatay

MANILA, Philippines - Pinasok at pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay ang isang ginang ng dalawang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay noon din ang hindi pa kilalang ginang na isinalarawan ng pu­lisya na ang edad ay nasa pagitan ng 30-35, may kaputian ang kutis, may taas na 4’11” at may tama ng bala sa ulo.

Nakita naman ng mga  kapitbahay ang dalawang lalaki na lumalabas sa bahay ng biktima at sumakay sa kotse at motorsiklo.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng  madaling-araw nang mangyari ang insidente sa ikalawang palalapag ng inuupahang bahay ng biktima sa no. 9-C Layugan compound, Maunlad St., Brgy. Pinyahan, sa lungsod.

Sinabi ng mga kapitbahay na nakarinig na lamang sila ng putok ng baril sa isa sa mga kuwarto at nang sumilip sila sa bintana ay nakita nila ang dalawang lalaki na nagmamadaling tumatakas.

Show comments