Broadcaster pinabulaanan na sangkot sa P10-B pork scam
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni broadcaster at news anchor na si Erwin Tulfo ang lumabas na artikulo sa isang broad sheet na nagsasangkot sa kanya sa P10 bilyong PDAF scam na sinabi umano ng dalawang opisyal ng National Agri Business Corp. (NABCOR) na tumanggap siya ng suhol sa pamamagitan ng isang tseke na nagkakahalaga ng P249, 000 na na-encash sa UCPB bank sa Ortigas na may petsang March 2009.
Nakasaad pa sa nasabing artikulo na nailathala noong Miyerkules (Marso 19) na ang suhol ay pinalabas na “advertisement payment†batay sa sinabi ng mga dating NABCOR officials na sina Rhodora Mendoza at Vic Cacal.
Sinabi naman ng abogado ni Tulfo na si Atty. Nelson Borja, kung meron mang tseke ito ay hindi suhol at bayad sa commercial placement o advertisement ng DA o NABCOR sa DZXL kung saan dating nagtatrabaho bilang radio anchor si Tulfo na kinaltasan ng buwis at suportado ng mga dokumento.
Sana anya ay nagkusa ang reporter na i-check muna sa DZXL kung nagpa-commercial ang NABCOR o hindi o kinuha man lamang ang panig ni Tulfo at hindi yaong pinalabas kaagad na suhol ang naturang tseke.
Malisyoso anya ang artikulo dahil walang basehan na suhol kaya’t hiling ng kampo ni Tulfo na itama ng reporter ang kanyang istorya at huÂmingi ng paumanhin upang hindi na nila ituloy ang planong pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya, mga opisyal ng diyaryo at kina Mendoza at Cacal.
- Latest