Nahuling nagnanakaw... bagets inutas ng sekyu
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 16-anÂyos na binaÂtilyo nang ito ay barilin sa ulo ng isang sekyu matapos maaktuhan ang una na umano ay nagnanakaw ng kawad ng kuryente sa compound ng isang eskwelahan sa Quezon City kahapon ng umaga.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Melven Dulo, ng no. 18 Leric B, Brgy. Greater Fairview.
Ang suspek na dinakip ng pulisya ay kinilalang si Rodrigo Vinson Jr., may-asawa.
Sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi sa loob ng compound ng Flos Carmeli School na matatagpuan sa no. 12 Cormel St., Brgy. Greater Frairview nang maganap ang pamamaril ng suspek sa biktima.
Sa salaysay ng isa pang sekyu na si Enrique Sibonga, ng nasabi ring paaralan na nakarinig siya ng putok ng baril mula sa garbage room at nang kanyang puntahan ay nakita niya ang suspek na may hawak ng baril at inamin na binaril nito ang biktima.
Ayon pa sa suspek na inatake siya umano ng saksak ng biktima nang mahuli niya itong nagnanakaw ng mga kawad ng kuryente kaya’t nagawa niya itong barilin.
Sinabi naman ng mga kaanak ng biktima na imposibÂleng gawin ang pagnanakaw dahil sa kilala ito ng suspek at kanyang nauutusan.
- Latest