Ex-PAF dedo sa karambola

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang dating miyembro ng Philippine Air Force sa naganap na  karambola ng tatlong sasakyan sa Brgy. Sico, Lipa City kamakalawa

Nakilala ang nasawi na si Cersar Cueveas, 63, may-asawa, residente sa Brgy. 2-A, Mataas na Kahoy, Batangas.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang magkarambola ang isang Isuzu jitney (DVH-544) na minamaneho ni Richaldo Dapadap, 39; Isuzu Aluminum Van Truck (RLB-357) na minamaneho ni Albert Arsenio, 41; at Kymco motorcycle na minamaneho naman ni Cueveas ang sangkot sa insidente.

Ayon sa isang saksi, nasa outer lane umano ang Isuzu Jitney kasunod ang motorsiklo ng biktima at truck naman ay nasa inner lane.

Pagsapit sa naturang lugar, biglang gumewang sa kaliwang bahagi ng motorsiklo ng biktima saka nakabanggaan nito ang jitney.

Nagpatuloy sa pagtakbo ang motorsiklo pakaliwa saka bumangga sa gilid ng truck na ikinasawi ng biktima.

Show comments