Kelot sinalvage sa QC

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaan ng mga otoridad na sinalvage ang  natagpuan kahapon ng umaga sa Quezon City.

Tulad ng iba pang bangkay na natatagpuan sa lungsod may bakas din nang pananakal sa leeg na indikasyon na binigti ang biktima na isinilarawan na nasa pagitan ng edad na 45-50, may taas na 5’5”, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at checkerd na short pants, may tattoo na “Dela Cruz” sa likuran at trival sa magkabila nitong kamay.

Natagpuan ang bangkay ng  biktima na nakasilid sa isang kulay pula at puting sako sa may kahabaan ng White St., Muñoz, Barangay Tandang Sora, dakong alas-5:00 ng umaga.

Agad na ipinagbigay alam ng mga residente sa himpilan ng barangay ang nakita, bago tuluyang tumawag ng pulis para sa imbestigasyon.

Sa pagsisiyasat, may nakapalupot pang nylon cord sa leeg ng biktima, habang ang mga kamay nito ay nakatali ng packaging tape sa likod, gayundin ang kanyang ulo.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

Show comments