MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 11 katao kabilang ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation sa Iligan City.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina Reyna Dacula, 39, may-ari ng bahay na matatagpuan Purok 5, Saray, Iligan City na ginagawang pot session; Luis BalonÂcio, 27; Jorien Dacula, 20; Carlos Macalyag, 35; Jun Rey Baroy, 29; Rey Timkang, 30; Jason Iglesias, 18; Roly Ornopia, 32; Archie Relacion, 33; at Jonathan Paner, 22; at isang 17-anyos na lalaki.
Sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon nang magpanggap na poseur buyer ang isang ahente ng PDEA kay Dacula.
Nang halughugin ng mga operatiba sa bahay ay 19 pang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahaÂlaga ng P8,750 at ilang drug paraphernalia ang narekober.
Samantala, naaresto rin ng PDEA ang suspek na si Kheng Ibrahim Ebad, 35, negosyante at residente sa Dulawan, Datu Piang, Maguindanao sa isinagawang buy-bust operation sa Digos City.
Naaresto si Ebad matapos makipagtranÂsaksyon ang mga opeÂratiba sa kanya para sa pagbili ng kalahating kilo ng iligal na droga.
Nagkasundo ang dalawang panig na magpalitan ng items sa may Tienda Aplaya, Digos City kung saan siya inaÂresto dakong alas-10:00 ng umaga.
Nang kapkapan si Ebad ay muli itong nakuhanan ng plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng shabu.
Nasa P454,500.00 na halaga ng shabu ang nasamsam ng otoridad sa suspek.