8 Coast Guard kinasuhan sa pagkamatay ng Taiwanese fisherman
MANILA, Philippines - Walong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kinasuhan ng homicide kaugnay ng pamamaril sa mga maÂngingisdang TaiwaÂnese sa Balintang Channel na ikinasawi ng isa sa mga ito.
Sa 79-pahinang resolusyon ng DOJ na aprubado ni Prosecutor General Claro Arellano, kinilala ang mga pinakakasuhan na sina Commanding Officer Arnold Enriquez Dela Cruz, Seaman First Class Ebrando Quiapo Aguila, Seaman First Class Mhelvin Aguilar Bendo II, Seaman First Class Andy Gibb Ronario Golfo, Seaman First Class Henry Baco Solomon, Seaman 1st Class Sunny Galang Masangcag, Seaman SeÂcond Class Nicky Renold Aurelio, at Petty Officer 2 Richard Fernandez Corpuz.
Sinampahan din ng kasong obstruction of justice sina Dela Cruz at Bendo kaugnay ng umano’y pekeng report na isinumite ng mga ito.
Matatandaang Mayo 9, 2013 nang mabaril ng mga miyembro ng Coast Guard ang ilang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel na ikinasawi ni Hung Shih-Cheng.
Tumaas ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan bunsod ng nangyaring pamamaril na nagbunsod para magpatupad ang Taipei ng ilang sanction gaya ng ban sa mga manggagawang Pilipino.
Ang kasong homicide ay ihahain sa Regional Trial Court sa Batanes habang ang obstruction of justice naman ay ihahain sa Municipal Trial Court ng Cagayan.
- Latest