^

Police Metro

Pagbigay ng doctorate kay Isko pinalagan ng 4 na konsehal

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umalma ang apat na konsehal ng Maynila sa ipinasang Resolution No. 69 na nagsasaad na  si Vice Mayor Isko Moreno o Francisco Domagoso  ay mabigyan ng doctorate degree ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa kabila ng kawalan ng  consent ng mga luma­labas na ‘principal authors’.

Ito ang ibinunyag nina Manila councilors Ali Atienza, Niño dela Cruz, Josie Siscar at Rod Lacsamana matapos masorpresa sa paglabas ng resolusyon na hindi naman umano nila alam at wala silang partisipasyon nang ito’y ipasa ng konseho.

Nakalagay sa reso­lusyon ng konseho kung saan presiding officer si Moreno, na bilang ‘distinguished leader’, si Moreno na mabigyan ito ng doctorate degree sa public management honoris causa “for his devotion to public service and vision for a glorious city of Manila.”

 â€œWhereas, the ambience of graduation rites is now felt all over the country and the time is ripe for a premier learning institution, the PLM,  to give honor and recognition to a benevolent benefactor, a distinguished leader of the land, vice mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso,” bahagi pa ng resolusyon.

Bukod sa apat, may iba pang konsehal na lumalabas na principal authors ng nasabing resolusyon, subalit ang apat pa lamang ang nagkumpirma na hindi nila alam na kasama at ginamit ang kanilang mga pangalan.

Nagtataka rin si  Atienza na noong ipinasa ‘unanimously’ ang resolusyon na may petsang Marso 13 ay absent siya sa session ng konseho.

Ayon naman kay Dela Cruz, naroon siya sa session subalit wala umanong tinalakay na ganung resolusyon hanggang siya’y umalis  kaya nagulat din kung bakit isa siya sa principal authors.

Maging si Lacsamana ay wala rin sa session at si Siscar naman ay absent ng dalawang araw nang maipasa ang resolusyon.

Nakasaad pa na kabilang sa achievements umano ni Moreno ang dinaluhang fellowship program na tig-anim na araw sa United Kingdom at Estados Unidos, at ang leadership program bilang participant sa US.

ALI ATIENZA

DELA CRUZ

ESTADOS UNIDOS

FRANCISCO DOMAGOSO

ISKO MORENO

JOSIE SISCAR

MAYNILA

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with