MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang isang rider nang tumanggi ito sa pagsita matapos na magmamaneho ng motorsiklo na walang plaka at suot na helmet kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Inilarawan ng pulisya ang suspek na nasa pagitan ng 35-40, may taas na 5’4â€, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng jacket at maong na pants.
Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-5:00 ng hapon sa Mata sa Nayon St., Brgy. San Isidro ay naispatan ng mga nagpapatÂrulyang tropa ng PS11 sa E. Rodriguez malapit sa panulukan ng Welcome Rotonda sa Barangay Don Manuel ang suspek na sakay ng motorsiklo at angkas ang isang babae.
Dahil sa ang minamanehong motorsiklo ng suspek ay walang plaka at hindi pa ito naka-suot ng helmet ay tinangka itong pahintuin para sa beripikasyon.
Sa halip na huminto ay pinaharurot pa umano ng suspek ang kanyang motorsiklo, sanhi para habulin sila ng mga opeÂratiba.
Sa halip na sumuko ang suspek nang makorner ng mga operatiba ay bumunot umano ito ng kanyang baril at pinutukan ang mga pulis.
Kaya’t gumanti ang mga pulis ay tinamaan at napatay ang suspek habang ang angkas nitong babae ay nakatakas.
Narekober sa katawan ng biktima ang isang kalibre 45 baril na may magazine at may lamang limang bala.
Inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek upang malaman kung saan sindikato ito miyembro.