^

Police Metro

Rider pumalag sa sita, napatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang isang rider nang tumanggi ito sa pagsita matapos na magmamaneho ng motorsiklo na walang plaka at suot na helmet kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Inilarawan ng pulisya ang suspek na nasa pagitan ng 35-40, may taas na 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng jacket at maong na pants.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-5:00 ng hapon sa Mata sa  Nayon St., Brgy. San Isidro ay naispatan ng mga nagpapat­rulyang tropa ng PS11 sa E. Rodriguez malapit sa panulukan ng Welcome Rotonda sa Barangay Don Manuel ang suspek na sakay ng motorsiklo at angkas ang isang babae.

Dahil sa ang minamanehong motorsiklo ng suspek ay walang plaka at hindi pa ito naka-suot ng helmet ay tinangka itong pahintuin para sa beripikasyon.

Sa halip na huminto ay pinaharurot pa umano ng suspek ang kanyang motorsiklo, sanhi para habulin sila ng mga ope­ratiba.

Sa halip na sumuko ang suspek nang makorner ng mga operatiba ay bumunot umano ito  ng kanyang baril at  pinutukan ang mga pulis.

Kaya’t gumanti ang mga pulis ay tinamaan at napatay ang suspek habang ang angkas nitong babae ay nakatakas.

Narekober sa katawan ng biktima ang isang kalibre 45 baril na may magazine at may lamang limang bala.

Inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek upang malaman kung saan sindikato ito  miyembro.

BARANGAY DON MANUEL

BATAY

BRGY

NAYON ST.

QUEZON CITY

SAN ISIDRO

SUSPEK

WELCOME ROTONDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with